Her Life's Delight



Ian Llana | 18 | male | RP.

I am optimistic, trustworthy and most of all responsible. I won't waste time on ignorant. People of on those who pretends on what they are. Beauty will fade on away on time. This small paragraph gives you a slight sketen of who I am.

I suggest you ask me and get to know me. It might just be worth your while.
Panda

Elsewhere






Medyo natutuwa na ko sa ginagawa kong SYG Project. Nung una, dapat titigil ko na kase parang ‘di ko kaya, nahihirapan kase talaga ako pero tinuloy ko parin for the sake of love. wahtt!? deh, pramis tatapusin ko to, panindigan na. Sana lang maging maayos ang kalalabasan nito. Seach and edit pa more. 


Posted 1 day ago




Posted 2 days ago reblog 10761 notes


ang babaw ko. sorry :(

ang babaw ko. sorry :(



Posted 3 days ago reblog 3 notes


  • Papa: Naku naman ma! wag kang magpaulan, kunin mo yung payong sa loob.
  • Mama: mahina lang naman eh -.-
  • Jeremiah: ma! ma! crush ka ni papa kasi iniingatan ka niya ... yie!
  • Mama: love yung tawag dun Jer. (clap...clap...) Pa, narinig mo ba yung anak mo? :)
  • iba yung keleg eh : D


Posted 3 days ago reblog 3 notes

"Magpasalamat ka nalang at nagkakuryente na, ang dami mo pang reklamo." Yes naman nagkakuryente na! four days din nawalan, akala ko matatagalan pa. Nawalan daw ng kuryente sa buong Cavite, Laguna, Manila ? talaga? K. Bakit ka ba umalis? Kailangan na kailangan kita. Ramdam na ramdam ko yung pagkawala mo. Nagtatampo ka ba? Nangulila ako sayo ng ilang araw, ang tagal mong bumalik.  Sorry na,pwede ba? Aalagaan na kita lalo, titipirin na kita, di na kita aabusuhin, papatayin na kita pag hindi kita gagamitin o kailangan HAHAHAHHAHAHA ayoko na nga, kornee. (refering to electricity)   pero seryoso, ang hirap pag walang kuryente, lalo na kung gabi. ang hirap kumilos, minsan natatakot pa ‘ko kase naaalala ko yung mga kwento dun sa Asian Horror Stories pati dun sa Tales of Horror eklabu. yohoho duwag pala :(( Boring lang talaga, walang matinong magawa: Magbabasa pero hindi tatapusin,maghahanap ng bagong babasahin tapos nagiiskip ng page. Nagreminsce pa ko kalanturan, kilig ako magisa sa kwarto eh lol. Gusto kong lumarga kaso walang kwarta. May ginawa pala akong prose pero ayokong i-post, next time nalang. Pinagaralan ko din yung Ohm’s law kase nakaassign ako dun sa software team ng project namin, kailangan dun yung mga total resistance, power, applied voltage and like, basta yung mga ganun. Ano pa bang ginawa ko nung walang kuryente? di ko na tanda… ahhh… nanuod akong tv. joke. wala naman na. Inisip ko lang siya. yun lang. 


Posted 3 days ago


Hunger Strike. Inaway kase ako ni mama. Hindi talaga ako kumain nung friday. Daig ko pa yung nag fasting. Hindi naman siya totally away na sigawan, pisikalan, hindi naman kami gumamit ng kamehameh wave. Pagkagising ko, wala ako sa mood, wala talaga akong ganang kumain non. Nakakulong lang ako sa kwarto. Gusto ko talaga kase umalis ng bahay, gusto kong makipag kita sa kanya. Kaso ayaw akong payagan, wala na nga raw kuryente, nabagyo pa tapos aalis pa ko bakaraw mapaano ako sa kalsada (yiie love ako mamskie) So hindi rin ako binigyan ng pera. Meaning hindi ako makakapag rent sa CompShop, ehh kating-kati na yung daliri ko na makachat lang siya. Well hindi pa naman ako sure kung may bukas na computer shop kase nga walang kuryente. Hindi ko rin siya matext kase wala kaming mapag charge-an. Bulok yung 7 eleven dito, walang charge station. Ang pinupunto ko dito, wala akong communication sa kanya, wala akong balita sa kanya, safe ba siya or what. miss ko na siya.Nagaalala lang ako sa kanya. I’m not saying this just for her to feel special and loved but because yun talaga yung nararamdaman ko. Ang immature nung “inaway kase ako ni mama” thing hahaha eh kase naman tss.

Mama: Ano bang minumokmok mo jan, lukutoy? kumain ka na don!
Me: next week na. lumabas na nga kayo.
Mama: Isusumbong kita sa baby mo, mag memessage ako dun
Me: Baka may kuryente?

keme lang yun. pero gusto ko na talaga kumain that time. gutom na kase ako tapos tinola ulam, booo. 6 pm na yata ako kumain non. Solved.


Posted 3 days ago

FAILED. Ang hirap naman kase. Declamation pa ang gusto. Lahat ata kami napilitan lang  magperform eh. Buntis kase yung prof namin sa Speech Communication, sa August mag mamaternity leave na siya. 3 days before the evaluation, dun lang sinabi na may declamation  activity: the props and costumes is there, the mastery, the voice projection,etc.  Tapos hindi rin agad kami nag focus dun, inuna muna namin yung project din sa kanya na video pronuncing the diphthongs pati yung project sa ibang subject. In short, rush kaming lahat, kulang sa oras para mag memorize. Guess what… pang eleventh ako xD Bahala-na-si-batman ang peg.  Tapos sayang effort ko bumili ng white rose, naghanap pa ko ng flower shop nun ng eight ng umaga. ays.  Edi meron na kong declamation piece entittled “I’m in love with her” by anonymous. 6 paragraphs pero nakabisado ko naman siya… dito sa bahay… pero nung nasa stage na ko, pisty, nakaka mental block, nakalimutan ko yung ibang lines. Good thing is balewala lang samin yun lahat, hindi kami nahiya sa isa’t isa, parang okay lang. Dalawa lang ata yung nag stand out samin out of 43. Ayos di  ba? maipagmamalaki. :((


Posted 3 days ago


To my girl,


kamirudeboy:

Hello. Hahahaha. Ewan ko. Iba-blog ko na lang, mababasa mo naman to e. Ewan ko kung ano nang meron pero ang alam ko, masaya lang. Okay na yun. Haha. Wag ka sanang ch0k3r. Aawayin talaga kita sinasabi ko sa’yo. Tas maririnig ko ule sa’yo, “Ganyan ka e.” HAHAHA. Sorry kung minsan, binibilangan kita. Hahaha. Tas maiinis ako kapag di mo inulit. Haha. Ano uumpisahan ko na ba? HAHA. Tsaka na, pag totoo ka na. Haha. Sabi mo nga madali lang sa iba na sabihin yun, pero sa’yo mahirap. Enebetelege. Thank you, nararamdaman na kita ule. Di na ko malulungkot. Di na ko maiinis kakaisip kung bat ganun ka. Thank you, makulit ka pa rin. Yung kulit na tawa ako ng tawa, sabi mo cheerer kita kasi. Thanks sa load, hahaha. Dapat aawayin kita kagabi kasi niloadan mo ko, di ko naman sinabi. Nung sinabi mong para mai-text ko si Mama, di na ko nainis pa. Ayos naman pala yung reason mo. Lastly, sana matutunan kong maumay na magsend ng 10 consecutive na ‘TSE.’ sa’yo. Hahaha. Ayun, ingat ka. >:))<


Posted 1 week ago reblog 4 notes

Friday. 2:11AM

Taekwondo class na naging badminton session. Field day pala kase,late na kami nainform *need to be more resourceful.lolwat.* Sayang lang talaga yung pagpasok ko kanina,walang klase e. Excited pa naman ako sa taekwondo class dapat namin,weh.  Edi tumambay muna kami sa gym, maaga pa kase para umuwi pati tirik yung araw nakakatamad bumiyahe. Madaming nagpapractice dun ng volleyball, basketball, badminton,chess pati table tennis. Pinapanuod lang namin sila, nagpapalipas ng oras habang nagkukwentuhan. Hanggang sa dumating ‘tong classmate namin nung first year na may dalang raketa ng badminton pati shuttle cock *alam na thisxz LOL edi naglaro na nga kami. Natatandaan ko 4th year HS pa yung huling laro ko nito e,saya parin. Ang damot ko lang kase di ko na binitawan yung raketa simula nung napunta sakin, after ng tatlong set sumuko na ko. Basang sisiw ako pagkatapos e baho ko 5ever. Nagpahinga lang kami saglit tapos pumunta na kaming university mall para kumain sabay nagyayaya na silang umuwi kaso ako ayoko pa kase nakakahiya sa makakatabi ko sa jeep, basa pa talaga kase ako ng pawis non. 4PM na ko nakauwi sa bahay at natulog lang. Binuhos ang oras sa badminton pero sa kanya … … hayy. adik na. luh. ge,bye friday.


Posted 3 weeks ago reblog 1 notes

Tulad ng pag-iwan ng magulang sa kanyang mga anak. Tulad ng paglaho ng mga bula. Tulad ng pagbayad ng pera sa cashier.  Tulad ng pag tapon ng basura sa estero at kalsada.  Tulad ng paglipad ng mga lobo sa kalangitan. Kailangan maranasan ng tao ang mawalan — ng kagamitan, ng kayamanan at ng kaibigan. Yan ang natutunan ko sa nakalipas na mga buwan. Mahirap, malungkot, nakakapanlumo ngunit kailangan harapin ang katotohanan at mag-let go.

Noong February 13,taong kasalukuyan, may tatlong pangyayaring sabay-sabay na sumubok sa katatagan ko: Una, ninakawan ako ng gamit at ari-arian. Sa University Gymnasium namin, dun kami nag-pPE that time. Walang locker, kaya yung mga gamit namin nasa sits or yung pinakahagdan mismo. So,nagstart na kami sa practicum namin at dun nadin nagkanakawan. After ng class ko lang nalaman na wala na pala yung gamit ko, magpapalit na kase sana ako ng uniform. Ang bigat sa pakiramdam na buong  bag ko yung nakuha including yung tablet, cellphone, MP4, pocket wifi, wallet, chargers,earphones,2 8GB flashdrive, notebooks and other documents. Puro gadgets,oo, dahil may ginagawa akong video dahil nga valentines day kinabukasan non. Surprise present ko sana sa kanya pero biglang nawala. Okay, naghabol ako dun, sinabi ko sa prof., nagpatawag ng guards, pero mailap yung kumuha,hindi nahuli,nakawala. Sabon na sabon ako kay mama that time pati mga kapatid ko nagalit sakin,wala na ko nagawa. Sinalo ko lahat ng galit nila. Pangalawa, nag-drop yung matalik na kaibigan ko, na classmate ko. Umalis siya ng walang pasabi,biglaan. Hindi na siya pumasok at di ko na rin siya nakita simula noong araw din na ninakawan ako. Family prob. daw sabi ni Migz. Naiintindihan ko naman na kailangan niyang umalis pero sana marunong siyang magpaalam. Apat nalang  kami sa grupo at talagang namimiss namin yung lokong yun. Okay, ang gay ko dito pero kase tunay na kaibigan yun. At panghuli, yung feeling na sana ako nalang yung may sakit hindi yung kuya ko. Tatlong beses siyang na-confine sa DLSU Medical Center. Pinasukan ng hangin,tubig yung baga niya at kailangan operehan yung naging butas nito. Diabetic si kuya since 2 years old kaya mas sensitive kami sa kalusugan niya. Lahat ng focus ng pamilya nasa kanya at kailangan namin magsakripisyo para sa kanya. Naniniwala ako na ang pamilya ay ang pinakamahalagang nilikha ng panginoon. Kaso ang laki na ng perang nailabas namin hanggang sa naubos at di na namin alam kung saan kukuha ng pangsustento sa kanya but thanks God, siya nagsupply ng pangangailangan namin dahil sa mga taong ginamit niya para tulungan kami,financially. Worst day ever.

Masasabi kong ‘di naging maganda ang pagpasok ng taon para sa’min pero pakiramdam ko naging mas independent pa ko, naging mature sa pagdedesisyon, at naging malakas ang loob para harapin ang mga problema dati kase iniiwasan ko lang, pinapalipas at kinakalimutan lang. Ngayong June na, feeling ko naman nakarecover na ko kahit papaano: okay na si kuya sa paghinga niya, di na naninikip yung dibdib niya at di na pahirapan sa pagtulog niya. Yung kaibigan ko naman balita ko nasa Bulacan,dun na siya magtutuloy ng pagaaral niya. Isa nalang yung gumugulo sa kalooban ko, yung pagkawala ng mga gamit na ninakaw. Hanggang ngayon kase sinisisi ko parin yung sarili ko sa pagkawala non. Bukam-bibig parin kase ni mama yung pagkawala nung tablet pati nung wifi,parang di parin niya matanggap. Well,lilipas din ‘to, alam kong may magandang plano si Lord para sa’min. Makakausad din kami.


Posted 1 month ago reblog 5 notes

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 »